z
zeldathemes

07/21/14

First prelims…….. So yeah. Confident naman akong nakuha ko yung English, Filkom, and ColAlg. Medyo basic pa e………. sa ngayon. Hay. Hahahaha. Dismissed at exactly 11PM tapos hindi namin alam ng 7oven kung saan pupunta e ayaw ko pang umuwe kase medyo… basta. Tapos nung nasa labas na ng gate ng school, nagdecide kame ni Wen na humiwalay na tutal wala din pupuntahan 7oven, ayun… nagsama nalang kame. Pumunta kaming SM Pampanga. Nangapadpad pa ako sa San Fernando para lang manood. HAHAHAHA. Ate lunch at Chowking. Pero first time ko atang nakipagdate na may kain. Parang first time ko nga lang makipagdate e… REALTALK. Hahahaha. After eating, nanood kame….. Pinilit ko lang siya dun sa “She’s Dating the Gangster” e. Kase dati din sabi ko na ayaw ko yon na parang pangjeje ganon.. Pero mali pala ako. Super kinilig ako… sa movie pati na din dahil kay Wen. Yh :”) HAHAHA. After ng movie, nagstay pa kaming mga 30minutes sa cine. Kwentuhan na non-stop hayy. Super komportable talaga akong nagkkwento sa kanya pati siya lang talaga yung nanliligaw saken na super komportable ako na magkwento ng random things. Yung parang mas madaldal pa nga ako sa kanya eh. HAHAHA. Tapos yun…….. Natouch ako sa kanya nung pauwi na. Kase taga-SF lang siya, e ako taga-Porac pa… Kahit nadaanan na ng jeep yung kanto nila, hindi pa din siya bumaba kase daw gusto niya akong ihatid kase baka mawala daw ako chuchu. HAHAHAHAHAHA. Grabe super naaappreciate ko mga ginagawa niya kahit simpling bagay lang, kakilig.. Hayyy… So yun… Hinatid na nga niya ako. Then yun……. Happy mondate with w3n ❤

OKAY BALIK NA SA REVIEW. DAMING MEMEMORIZE. NAKAKALANGI NG UTAK. HAYST. GOODNIGHT

7/18/14

  • School (No discussions, chill lang)
  • Ate early lunch at Mcdo
  • Went to Wen’s house… Okay. For the 3rd time. First time nga lang yung kaming dalawa e. Layo ng SF!! Amp. Tapos yun… alam na pala ng parents niya na nililigawan na niya ako. Nakakahiya kanina. Medyo naawkward pa ako kase first time akong pakilala e. Hahaha!
  • Then met 7oven at Nepo Mall
  • Tambay at my house… At dahil buong time na nasa bahay namin sila, walang power. Shit lang. Bute may court at naglalaro sila. Presko naman din samen kaya di naman sila masyadong nainitan. Nagenjoy naman ako pati sila kase magkakasama naman kaming lahat eh. Hihi
  • So nagstay pa din si Wen and Jus…….. Pinakilala ko na kay mommy, daddy, and ate kath si Wen.. Woops. Approved na din. Yey. So yeah….

HAPPY DAY IT IS!!!!!!!!!!! Lagi naman e. Hihihihi. ❤

  #personal  

currently with wen and justin at my house.. woohh okay.. napakilala ko na siya kay daddy. Still waiting for mama and sisters. Wooohh okay hihihihi

  #random  

Lol?

Me: Dapat nga daw relasyon pinapatagal, di naman panliligaw
Jayvee: Dapat kung ano sinasabe, yun yung ginagawa
Thugz: O wendel.. Kayo na daw ni Kayn.
ATAT NA ATAT MGA 7OVEN AH *smirks*
  #convo    #7oven  

07/13/2014

Grabe…. The feels…. Hahahaha. Went to Wen’s house again. Nung nandoon na medyo naaawkward na ako. Dahil siguro kakaconfess lang niya the night before. Nasa sala kame pero di kame naguusap pati eye to eye wala. Tapos yun… lumipat kaming 3 sa kwarto tapos humabol si Chrissel. Hindi pa din kame naguusap. Ginagawa ko yung assignment namin sa algebra eh tapos naglalaro yung dalawang lalake. Amp. Tapos nung nagpahinga ako… humiga na ako. Eh nandun silang pareho ni Justine… hindi pa din kame naguusap. Tinext niya ako non. Tinatanong niya kung naaawkward ako tapos sabi pa niya sanang hindi nalang siya umamin ganon….. After non, mga minutes, bigla niyang minamassage ulo ko (pero wala pa ding words.. HAHAHA).. tapos kinukurot ko kamay ko tapos bigla na niyang hinawakan. Ayun…… Hihihi. After non, nagusap na kame. Iniwan kame nila Justine non eh. Alam namin ni Wen na sinasadya nila ni Chrissel yon. Tapos yun.. kinwento niya paano siya nafall saken. Hindi niya daw maamin sa sarili niya nung una pero dati pa niya ako gusto. Habang nagkkwento siya syempre HH……. Okay ang harot. Hahahahaha! After non… kabalik nila Jus and Sel.. ayun. Back to normal. Hindi na awkward. Madaldal na ulit ako. Bumalik kame ni Wen sa pambubully sa isa’t isa. Hahahaha. Hayyy. Tapos….. kumain kame. Ate pala niya nagluto. Grabe so prettehhh!! Hahaha. Tapos nagprepare na ulit kame magsisimba kame. Hihi. Tapos nung nasa pedicab… ayun nanaman. Bigla nanaman niyang kinuha kamay ko tapos pinakwento niya saken pano nagstart yung pagkafall ko. Hehehe. Weee. Nung nasa jeep naman…. Bigla niyang tinanong… “Ano na ba tayo?” at dahil nataranta ako, sabi ko “tao pa din tayo…” HAHAHAHAHA. Tinext pa niya ako non… “Love na kita kayn” Shet. SOLID SPEECHLESS AKO!!!! Pero alam naman niya na ganon na din naffeel ko eh. Hehehehehehe. Nung nasa church na kame, super late na kame. 6:30 matatapos yung mass pero 6:15 palang nakarating. Sayang nga e. Bawi nalang kame nyan next saturday. Tapos yun…. hinatid na niya kame ni Jus… Ayun…. Hihihihi. KV day nananaman :) :) :)

  #wndl  

071214

  • Woke up early
  • Tweet tweet blog blog
  • Prepare for school
  • @ School. 3 hours of sleepiness (nstp)
  • Ate lunch @ KFC
  • Jayann’s house
  • Then……….. Wendel’s house! ❤
  • Lakad lakad
  • Uwi

Grabe. Hindi ko makakalimutan araw na to. Nagawa naman namin yung talagang gagawin namin kila Jayann na gumawa ng project. Tapos 3:30 umalis na kame don. At dahil maaga pa… pmunta kame ni Justine kila Wen. Tapos pakilala chuchu. Hihihihihi.

Tapos nung pauwi na kame ni Justine…… nagulat nalang ako na inamin ni Wen yung nararamdaman niya. O M G. Di ko expect. Ugh. So yun………. Super saya nananaman ng araw na to with Wen and 7-oven ❤

The feels……

Ngayon nalang ulit to e. Yung ang sarap ng tulog mo tapos mapapagising ka bigla. Tapos imbis na umiyak ka (which is normal saken kase inooverthink ko lahat ng bagay kapag napapagising ako ng madaling araw e. HAHAHA), maaalala mo mga nangyayari these past few days tapos bigla ka lang mapapasmile. Tapos di ka mapakali sa hinihigaan mo kase inspired or excited kanang pumasok kase alam mong may naghihintay sa’yo sa classroom niyo. Grabe. Hindi ko expect na maaattached akong ganito kay Wen eh. Kami nalang kase lagi magkasama kapag half-day lang kame. Although pati kapag vacant, nagkakasama din kame. Wala na kaming pakelam sa mga nasa paligid namen e. Kahit namumusit mga blockmates namen, di na namin napapansin kase it’s between him and I lang. Seriously. Kapag magkausap kame, lagi lang ganon. Tuluy-tuloy lang conversation. Non-stop bullying and daldal. Haha. Wala kaming something or what pero for sure we’re not friends. Basta, walang label label. Idk… HAHAHA. Pero alam ko lang talaga, inspiration ko siya :) 

Okay Jayann’s house naman later. Syempre… with 7-oven. Hihi. Okay may pasok pa pala ako. Bye!

  #wndl    #personal  

07/11/2014

  • Woke up at 5:10 para makapagpatuyo ng buhok
  • At school… Ethics, English, & ColAlg
  • Went to SMC with 7-oven
  • Then MCDO
  • Tapos Zeq’s house
  • Watched Miracle in Cell No. 7 with Wen
  • Bonding, jamming, kwentuhan with them
  • Tapos jeep, bpi, ministop
  • Nagulat nalang ako na hahatid ako ni Wen. Sabi ko wag na kase malayo pero nagpumilit. So no choice… Joke. Grabe kilig. Hehehe

So yeah. Day in bullets. Bukas nyan NSTP tapos deretcho na kina Jayann. Everyday okay with 7-oven ❤

  #7oven    #wndl  

yung lalaking makikipagpalit ng pwesto tuwing naglalakad kayo sa daan kase ikaw yung nasa may side kung nasaan mga sasakyan ❤